thetsinelaschronicles.blogspot.com

Sabado, Pebrero 25, 2017

Habits to Adopt to be a Minimalist Jerk

Because Itty-bitty things bite.



1. Give unsolicited advice
    One of the rules of being an effective listener is holding your tongue for your advice. You can react—laugh, be angry, irritated but never give advice unless asked. However, since we have no better things to say, you will tend to suggest or even compare to slide off a piece of advice. At some point, giving unsolicited advice is sort of a micro-narcissism. Show that you are better at handling their problems than they do.

2. Do not follow your own advice 
         I don’t know who started this funny text quote, “Take my advice, I don’t need it” but it sure is straightforward and hypocritical. By all means, take credit for it. When tipping off advice, do not hold your tongue and tick off the checklist a.) was it asked? b.) If not, stop here. If yes, did you try it? c.)      If no, then why are you still here, and if yes, was it effective? d.) If no then don’t if yes then do give it. Wouldn’t you agree that you are one hell of a first-class jerk if you would give off advice (unsolicited or ask) if even you have no confidence in it? You bet you are. They should be thankful you shared a golden knowledge of yours.

3.   Be way too humble for compliments
     Maybe you’re not used to receiving compliments but if you do you tend to cringe.  Why not? Shrugging it off and saying these golden words,”Hindi naman”,”Ang pangit kaya” is so cute, you’ll be complimented more.

    4.    Reply in an hour interval or more
    So what if even the busiest mother juggles work, dinner, and children’s assignments but still has to squeeze sending e-invites to friends for this weekend’s potluck? How about you? Are you a company executive that spending a nick of your time replying would jeopardize what you’re working for? Sure you are. You are an important person that the other side of the line should anxiously wait for your reply and be terrifyingly excited when your name pops up in their notifications. For brownie points, if they call, just stare at their name flashing on your screen until the call ends.




5.    Showing up at the last minute
    This last-minute spontaneity is much a bum than canceling at the last minute. Or if you want to be a glamorous jerk with a fierce entrance; Agree, Cancel, and then show up in a surprise. Alas! Their sadness fades to joy.

   6.    Fill the tensions with jokes to add more to the tension
    People use sorts of defense mechanisms when faced with anxiety, some even combine two or three. Though when it is time to face the music, rather turn up the volume with
nervous laughter and jokes that aren’t even one. Chuck maturity and hide under your sheets to avoid confrontations all your life.

7.    Forget being thoughtful; Don’t say the magic words
    It doesn’t matter if you were raised right, were in a good educational system, or were raised in the woods away from civility. Although by this time you have learned the appropriate etiquettes as a social person, it doesn’t mean that you have to walk it. Saying Thanks, Sorry, and please? Pfft…Got no time for that, right?

8. Finish people’s sentences
    Isn’t it adorable that you make people think that you are reading their thoughts every time there is a pause to grab from memory what they are about to say? Every gap or pause or even stutter is your cue to fill them in. It’s just like in Singing Bee, easy peasy. You are always right about people’s thoughts and think you failed if they said otherwise.


Stream of Consciousness: Mall Philosophy


            Ang mga mall ay kaharian ng konsumerismo. Mga mall na nagsusulputan sa kahit anong parte ng pinas, sa patag, sa bundok, sa buhol man o kahit sa tabi ng palayan. Ewan ko na lang kung magkaroon ng SM Cruise, isang roro na mall. Baka mapagkamalan mo pang Mall Of Asia floating at the pacific. Kahit sumpain mo pa ng sumpain at pakyuhan ng pakyuhan ang SM dahil sa pangcha-chop-chop nila sa mga puno ng Luneta Hill dito sa Baguio, ang isinumpa mong mall na iyan ay ang pumupuno sa pagitan ng pangangailangan at distansya. Sa distansya, ang ibig kong sabihin ay kapag hindi ka marunong gumamit ng google maps lalo na kapag wala kang kotse at hiwa-hiwalay na shop ang pamimilhan mo. Ngunit iba’t-iba ang hilig ng mga tao, mga ilan na nakakahanap ng ginhawa sa pagtatambay sa mall at kung tawagin ay Mall Therapy. Ang tawag sa kanila ay Mall Rat. Isa itong kanluraning kolokyal na tawag sa mga kabataan ng America na laging namamalagi sa mall. Katulad na lamang ng palabas na Totally Spies o kaya naman ang pelikulang Mean Girls. Metapora marahil ang ‘Mall Rat’ sa mga taong mahilig magpunta sa mall dahil sa katangian ng isang daga na umubos. Oy, wala akong ipinahihiwatig diyan. Nagpapaliwanag lamang ako.

      Sa isang nakababatong hapon ng iyong araw, aircon muna sa mall ang kailangan para maglibang. Bakit nga naman hindi? Kung nag-aantay ka ng klase o ayaw mo munang umuwi at nais mo munang magsenti. Bakit nga ba sa mall pa at hindi na lang sa Burnham Park o para mas sosyal, sa Camp John Hay? O kaya naman para feel na feel mo ang Baguio, Mines View o PMA? Bakit hindi? May mall music, mga amoy ng bagong gamit at higit sa lahat ligtas ka sa kakaamoy ng carbon. Sa Baguio, hindi ka maglalakad papuntang mall, mag-hahike ka sa tuktok ng SM. Baka nga mas maganda kung baguhin na lamang ang ibig sabihin ng SM at gawing Store Mountain. Sa pagtaas mo, makakasalubong ka ng sari-saring nanggaling sa mall:
  1.  Mga mag-aaral na babae na may EB o Careline perfumes. Uuwi na nga lang ampupula pa ng labi--ay oo nga, make-up trial.
  2. Mga mag-aaral na lalake na nakikipagdaldalan sa isa't-isa na may kakaibang pitch sa boses dahil siguro hindi pa dinadalaw ng puberty. Mga kaboses ni Atty. Niel Tupas Jr. (See Corona Impeachment)
  3. Magsyota na walang ibang maisip na pagdedeyt-an kundi sa mall, kasama ang girlfriend na medyo disappointed. Hinila-hila kasi si boyfriend sa bawat tindahan at wari ba'y nagpaparamdam na ibilhan siya nito at niya.
  4. Mga nanay na working class na may bitbit na JCo o Krispy Kreme o kung hindi naman ay mga balot ng grocery.
  5. Mga Millenial Tita na may bitbit na Surplus bag o mga hip na clothing store. Plus points kung Bench o Penshoppe.
  6. Mga ilang puma-fashionista na mga kabataan na sigurado kang sinadya na naman ang veranda para magphotoshoot
  7. Mga turistang nagSM na lang dahil naliligaw sa mga pupuntahan sa Baguio. Tinamad na rin dahil pahirapan na ngang kumuha ng taxi, nakakapagod pa ang taas-babang mga kalsada sa Baguio. 
      Habang papalapit ka sa taxi lane at palapit na sa fruit stand, nagpapalit ang amoy ng usok mula sa sasakyan at sariwang amoy ng wari'y kalikasan dahil sa prutas at sa orchidarium. Nasa pilahan ka na paloob at kahit mahaba ay para ka rin lang papasok dahil gumagalaw ang pila. Nasa likod mo ang mga patpating koreano. Paglakad mo habang kinakapkapan at hinihipuan ng mga tamad na gwardiya ay bahagya kang nakiliti kay ate. 'Uy huwag diyan.' Pagpasok mo, medyo maligamgam ang paligid. Amoy kusina, amoy ref. Wala pa 'yan sa amoy ng kusina at ref ninyo. Direstso titig mo sa daanan pero lahat kita mo. Kita mo mga tao, kung di mo kasabay ay kasalubong o kaya ay nakatambay sa hilera ng Jollibee o Big City. Magkakasama sila samantalang ikaw nag-iisa.Iniisip mo, bakit nandito ka na naman. Wala ka namang sasadyain dito.  "So what? Bakit i-iinterrogate ba ako kung bakit ako nandito?" 

      Pasok ka ng Surplus, iniisip mo na may mura kang mabibili doon. Sabagay, ang Surplus ay may tagline na "fashion for less". Kaloka. Mukhang medyo matapobre ang SM, ah. "Fashion for less", parang ganito ang konotasyon: "Hindi mo kailangang bumili ng mahal sa mga mamahaling tindahan namin para panindigan ang pagiging social climber mo". Surplus nga naman ay parang wagwag, para sa mga estudyanteng kolehiyong katulad mo na asa sa baon pero gustong maging ismarte. Para sa katulad mo na entry-level ang sahod, pero kupas na mga damit mo at kailangan mo magtira para sa sunod na inuman. Para sa katulad mo na medyo thunders na pero feeling millennial ka at hindi mo matanggap na ang edad mo ay malayo sa edad ng mga true and certified millenial. Para sa katulad mo na teka hindi ko alam kung sino ka o ano ka, basta para sayo. 
Umalis ka na at tinantiya mo na kinse-minuto ang tinagal mo sa loob. "Fashion for the less" daw, eh papaano kung nagsale pa ang Surplus, "Fashion for the mas poor pa sa less"? Pumasok ka na sa sa may foodcourt, sari ang amoy ng umami, matamis, maasim, oregano, tinapay, tsokolate, tomato sauce at oo, kahit amoy ng manga. Sakto din dahil sa Atrium may attraction ng kung anu-ano. At syempre, mawawala ba ang mga ateng na nagpapapicture kasama ang mga maaasim na mukha ng mga bata na gusto ng maglaro doon sa quantum o playground sa may pond. "Smile, baby! Tingin dito. Ay, Sige ka, walang Jollibee." Mga ilang kuha lang instant profile picture o cover photo na. 

      Umalis ka na at nakita mo ang booksale sa kabila. Para sa 3 by 5 na tindahan, parang marami nang tao ang lima, pero okay lang. Una kang tumingin sa mga bestseller pero hindi mo trip dahil mga pinandidirihan mong Twilight at Fifty Shades of Grey. Tingin-tingin ka rin sa magazines. Pagkatapos sa mga soft bound. Wala ka rin trip kasi mga technical, mga diskurso sa pinansyal, negosyo at kung anu-ano pa. Gusto mo yung parang philosophical, mga rare books ni Kafka o kaya Orwell dahil pretensyosong hipster ka. Lakad din palapit sa mga hardbound. Hindi mo rin trip, Move-on sa mga pocket books na puro Daniel Steele. Inisa-isa mo mga libro pero ang sakit na ng leeg mo kakatangad. Tingin-tingin ka rin sa mga nagpatong-patong na libro, 'yung mga tigbebente hanggang singkwenta. Inikot mo na ang booksale hanggang sa coffee table books, napatagal ka doon kakatingin ng mga larawan at umalis ka na rin.
Pagtaas mo sa siksikang elevator, kaharap mo ang magsyotang naglalampungan na gustong-gusto mong tusukin sa pwet dahil wari mo’y mga kiti-kiti.
Girl: “Ihh, wag, ah! Hihi.”
Boy: “Isang kiss lang, eto naman.Please.”
Girl: “Ihh. Dami tao, mamaya na.”

Bwisit.

      At sa likod ay mga koreana na kahit siguro sako lang ang ipasuot mo ay maganda pa rin sa kanila. Nakarating ka na sa second floor sa may main entrance at amoy na amoy mo ang mala-butter na amoy ng Bread Talk. Naalala mo tuloy noong bumili ka ng Garlic Egg Bread na kasing presyo ng Valley Loaf Bread at kasabay mo ay akala mo naman bumibili lang sa Danes na di alintana ang presyo. Hay, buhay credit card.

      Ito minsan ang ayaw mo kapag mag-isa kang nagmomalling, ‘yung may makakasalubong ka na kakilala na may mga kasama. Minsan kahit nagso-strolling ka lang naman talaga, ayaw mong aminin. Ayaw mong magmukhang tanga at parang kawawa, isang nilalang na sa mall lang nakakahanap ng kaligayahan na kahit hanggang tingin at amoy lang. Ayaw mong aminin na minsan ay ganoon kababaw ang kaligayahan mo.
“Uy, tol, gawa mo dito?”
“Uy, musta, uhmm, ano, kwan, sa NBS bili ng gagamiting supply. Ikaw ngay?”
“Ah, wala, strolling lang kasama sila.” Turo sa mga kasama niya na hindi mo kilala at nag-iisip kung ngingitian mo o kunwari malabo na lang mata mo.
“Ay okay, sige punta na ‘ko, tol.”
“Sige, tol.”
O ayan, may dagdag kasalanan ka na naman sa araw na ito. Bakit ba ang hirap aminin na nagso-stroll ka lang din mag-isa sa mall kahit na hindi umuulan? Bakit?! Bakiiiiiiiit?!?!

      Kung saan-saang shop ka na nakarating at may mga ilan na rin lumalapit sa iyo na mga nakabusiness casual. Iyong mga nagtatanong kung nasa beinte uno pataas ka na at kung meron ka ng credit card o ano ang bank account mo. “Hindi ako mag-ooffer.” Hindi mo rin gets at hindi mo rin natatanong kung para saan ang ginagawa nila. Survey ba? O kaya naman wala lang, pang-identity theft, ganoon?
Kakaiba rin ang trabaho ng mga tao, ano? Dati ay nakakahon lang tayo sa kaalaman na mga sampung Job Titles lang ang alam nating trabaho ng bilyon-bilyong tao sa mundo. Abogado, Duktor, Drayber, Sekretarya, Inhinyero, Negosyante, Kolektor sa Jueteng at kung anu-ano pa. Ngunit kung didiskubrihin mo ang mundo ng working class, mapapasabi ka rin ng “There are million and million possible combinations.” Isang linya sa pelikulang Imitation Game. Noong nakaraan lamang na pagbukas mo ng classified ads ng Midland ay mga kakaiba sa nakaalaman na mga trabaho. Kunwari na lamang ay iyong ‘HIRING: Mystery Shopper’. Wow, mehn,meh ganern.
Astig siguro ang trabahong iyon, hindi ba? Ayon sa description ay parang eavesdropping ang task ng empleyadong ito. Makikinig sa mga komento at lait ng mga customer sa tindahan.  Kaya huwag na kayo magtaka kung walang silbi ang comments and suggestions box. Meron na pala, may buhay, humihinga at naglalakad pa nga, eh. Ayos iyon, ano? Para ka palang secret agent! Kunsabagay, ay ang panganganak ng mga ganitong trabaho ay resulta ng buhay pa naman na ekonomiya at siyempre sa desperadong pamumuhay na ito.

     Nang maikot-ikot mo na ay binibilang mo ang mga tindahan na nagtranscend through times (kahit isang dekada lang naman) simula noong ipinatayo ang SM. Isang paghanga mo rin na sa panahon ng Spotify, download at pagpipirata ay nandoon pa rin ang Astroplus. Oo, dito ka nangangalkal ng mga album ng mga paborito mong banda. Syempre, badtrip ka rin minsan dahil tatlong daan ang album pero tatlong kanta lang ang laging nagagasgas sa stereo o Walkman mo. Umikot ka rin sa may Cyberzone, pero anak ng tokwa, titingin ka lang naman karabuntot ng sales talk ang mga attendants na parang nagrerecite ng minemorize na speech sa harap ng klase. Halata rin ang mga bago lalo kapag laging tumitingin sa taas para maalala ulit ang minemorize na features ng gadget.

       Magdidilim na at bahagya ka rin na gutom. Snacks lang pauwe, solb ka na. Pumasok ka sa fastfood na sumakop sa buong session road. Snacks lang, iyong mamutik-mutik nilang Yum Burger. Okay lang kahit walang post-it. “Willing to wait?” tanong ng kahera. Tango ka kahit sa loob-loob mo, “Willing to wait? Tignan mo naman mukha ko pilipit na sa gutom at ang tiyan ko na nagmemetal rock na sa loob, willing to wait? Mukha ba akong willing? Bakit, may choice pa ba ako? Bakit hindi na lang, please wait at hindi willing? Dahil kung tatanungin mo ako ng ‘willing to wait’ at totoong sagot ang hihingin mo ay ‘Hindi Maaari!’”
        Ilang minute ay dahan-dahan mo ng inuubos ang pagkain mo. Hinay-hinay lang dahil mahirap mabilaukan sa kalsada. Umalis ka na sa imperyo ng delikadong kombinasyon ng konsumerismo at kapitalismo dala lamang ng pagtatanggi na isa ka rin sa biktima at salarin nito. Ang pansamantalang ligaya ng pagiging daga.